Miyerkules, Oktubre 03, 2007
pag-uulit
Payo ng isang pilosopo kay Berong:
Matinik ang landas ng itinadhanang pag-ibig. Iyan ang dahilan kung bakit mo inurungan. Kapag tinahak mo na ang landas na ito, at natinik-tinik na ang iyong talampakan, hangga't akala mong di mo na matitiis, ngunit tiniis mo pa -- sa wakas magiging pangkaraniwang tao ka.
Noong nahulog ang loob mo kay Hinay, nahulog ka sa iyong tunay na kahulugan. Ang pag-ibig na tumubo sa loob mo ay siyang anak ng tunay mong pagkatao. Iyan ang dahilan kung bakit ngayong humiwalay ka kay Hinay, nadarama mong hindi ka na ikaw. Akala mo yata'y basta't aksidente ang pakikipagtagpo ninyo ni Hinay. Sasabihin mong tao kang palaging may saan at kailan. Kapag naiwan mo na ang isang saan, at nakalipas na ang isang kailan, karapatan mo nang limutin at itapon na parang gula-gulanit na baro, sa basurahan ng iyong alaala: at tumakas sa bagong saan at kailan. Sinasabi ko sa iyo na may pangyayaring sumisigaw sa kalooban mo at, dinggin mo man o hinde, ang saan at kailan nito'y magiging dito at ngayon mo, magpakailan man.
Addistarted this journey at11:38 PM
My Heart Reminisces
About me
*Name: ----
*Age: --21--
*Beginning: --April 23--
*From: --Neverneverland--
*Job: --dreamer--
*Passion: --fantasy--
Hear me